Marahil naaalala mo ang parang folder na ito nung elementarya kapa. May maliliit na parisukat na butas at iba't ibang numero na nakasulat. Ito ang tinatawag wa window card.
Ako noon kapag inilabas na ni titser ang mga nakaplastik na carton na ito, nanlalamig na ako sa sobrang nerbyos! Hindi kasi ako magaling sa math at kapag oras na nang pagsagot ng window card eh sigurado kulelat ako. May time limit kasi ang bawat card kaya dapat magaling kang sumagot ng mga computations.
Simple lang naman gamitin ito. Kailangan mo lang ipatong ang window card sa ibabaw ng bond paper.(Yung iba mas susyal na folder talaga at ipapasok mo and bond paper mo sa pagitan).
May mahabang parihabang butas pa nga para sa iyong pangalan, grade at section at date. May mas maliit na butas din para isulat yung card number. Sa hudyat ng guro, pabilisan na sa pagsagot sa mga addition, subrtaction, multiplication at division!
Tandang-tanda kupa na hindi pa ako naka-abot sa huling linya ng mga tanong sa sobrang bagal kong mag compute. Bawal ang pagsulat ng kahit ano sa mga window cards eh pano kung may 'carry 1'? Kiber ako basta susulat ako ng maliit na 1 sa taas ng numero.
Pangarap ko ang magka perfect score sa window cards gaya ng mga kaklase ko pero hindi ko iyon na abot.Grade 1 palang ako nun ah at addition at subtraction window cards lang ang kilala ko! Paano pa kaya nung nag grade 2 ako at dinagdagan ng 2 pang klase (multiplication at division)! Hala patay ako nun! Nadagdagan pa ang pasanin ko sa mga window cards na yan.
Minsan naisip ko din ang galing naman ni titser! Biruin mo bond paper lang yung ipapass namen na puro sagot lang ang laman eh pano niya iche-check kung tama kung hindi naman niya alam kung anu yung given? Duda ako noon sa kanya. Palagi akong bagsak noon at naisip ko na hinuhulaan niya ang mga chine-check niya. Matagal pa bago ku nalaman ang purpose ng pagsulat ng card number.
Palagi akong binabangungot non tuwing napapanaginipan ko ang pagsagot ko ng wndow cards dahil lagi daw akong nahululing mag pass ng papel o kaya hindi natatapos okaya minsan kumpleto ang mga sagot pero puro naman mali. Palagay ko ay natrauma ako noon sa mga lecheng karton na yan!
Di ako nakapag muv-on marahil nung grade 4 ako. Mula noon kasi wala ng pinagamit na window cards ung titser namen. Ang sabi pa nga niya masyado na daw madali yung mga tanong dun at kahit nakapikit kami eh alam na namin ang sagot. Ang yabang naman ng mga kaklasi ko at tumatawa silang lahat! Ako lang yata ang hindi natuwa! Sino kaya ang nag imbento ng window cards na yan? Siguro galit siya sa mga estudyant at gusto niyang pahirapan ang sinumang sumagot. Madalang nalang akong makakita ng window cards ngayon at kapag nakakita man ako, bumabalik ang dating feeling na nanlalamig at kinakabahan. Para bang elementarya ulit ako! hahaha