Tanghali noon sa ospital kung saan ako naka duty at naisipan kong bumili ng Coke Sakto para katerno ng baon kong tocino at kanin. Tamang-tamang pang tawid ng uhaw at pang alis ng init na nararamdaman ko. At dahil public hospital ang aking pinapasukan, naglinya ang mga karinderyang halus magmukhang skwater sa sobrang sikit-sikit.
Pagtawid ko ng daan, dumiretso ako sa suki kong si Aling Pising. Kaunti lamang ang mga kumakain non kaya't di gaanong puno ang mga mesa. Sa paglapit ko sa counter para bumili, napansin ko ang isang balisang lalaki na nakaupo sa gilid. Mayroon siyang nilalarong sampung pisong barya na pulit ulit niyang inihagis at hinayaang mahulog sa mesa. At bawat landing ng barya sa mesa eh kitang-kita ang pagkabagabag sa kanyang mga mata.
Obvious naman na wala siyang pambili ng pananghalian sa halagang sampung piso at malamang ay iniisip niya kung paano niya pasusulitin ang natitirang barya. Tinignan ko ang menu at napakamot nang marealize ko na ang pinakamurang order na goto ay nagkakahalagang P15.00. Baka pwede pang tumawad ng P10 para sa kalahating mangkok ng goto at may libreng tubig naman para panulak. Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ni Aling Pising at tinatanong na ako kung ano ang kailangan ko. Napansin ng matanda na hindi pa umaalis ang tingin ko sa sa lalaki kaya't sinabi niya.
"Kawawa naman. Kakapanganak lang ng misis niya kanina. Kambal ang anak nila," ang kuwento ni Aling Pising. "Anong nga pala ang sa'yo?"
"Ahh... Eh, coke sakto ho isa," madali kong sinagot. Kawawa? Mukha naman hindi nagka anak to. Sa lahat ng tatay, hindi siya masaya, ang sabi ko sa sarili ko.
Nagbukas ng coke si Aling Pising at binuhos sa plastic ng yelo habang sinabi, "Nakapangako na siya na ipapaampun niya ang isang anak niya sa isang pamilya. Ngayon, kailangan niyang mamili dahil ayaw niyang ipasa and desisyon sa asawa niya."
"Yung barya..." Yun lang ang sinagot ko habang kumuha ako ng straw.
Kara para sa unang kambal. Krus naman sa pangalawa. Paulit-ulit niyang inihagis ang barya dahil sa bawat mukhang humarap sa kanya, lalo lamang siyang nabagabag. Kung sana'y may pangatlong mukha ang barya. Baka sakaling masalba silang pareho at hindi na kailangan pang maghiwalay.