15.3.10

BUHAY AT BUS

"Ang buhay ay maihahalintulad sa pagsakay ng bus.
Pagpasok mo sa loob, malaya kang makakapili kung saan mo gustong umupo. Pero ang hindi mo mapipili ay ang taong uupo sa bakanting upuan sa tabi mo.
Maari siyang magtagal o kaya naman ay bumyahe ng malayo katabi mo. Maari mo siyang kausapin, pero maari namang hindi. Pwede kanyang pansinin, pwede ka namang isnabin.
Hindi mo makokontrol kung kailan at saan mo siya gustong bumaba. Sa bandang huli, iiwan ka rin niyang mag-isa hanggang sa may iba na naman ang sumakay at umupo sa tabi mo"